P A A L A M Paalam na, aking mahal Ako'y di na magtatagal Ngunit wag mong isiping basta-basta nalang akong bumitaw Dahil ilang buwan din akong nag-iintay Di mo man nakita Di mo man napansin Na kahit nung ika'y lumisan Ako'y narito parin Paalam, mahal ko Kahit masakit, ito'y gagawin ko Di lang ito para sa kalayaan mo Ngunit para din sa pusong patuloy na nagdurugo Sana'y bukas sa pagsikat ng araw Masaya ka sa mga kamay niya Mga letrang aking binigkas Kalimutan mo'y wag sana Bakas sa aking puso Lahat ng ala-ala nating nabuo Mga araw na ngiti ko'y lubos Ninanais noon na oras natin ay di maubos Ngunit mahal, ubos na nga Hanggang dito nalang tayo May iba ka nang mahal Ngayo'y tinatanaw nalang kita sa malayo Kung dati rati ako ang nasa iyong tabi At ako rin ang iyong kausap gabi-gabi Ngayo'y iba na, at wala na akong masabi Nakatikom nalang ang aking mga labi Paalam aking minamahal Kailangan ko mamaalam na Kahit ang puso'y ikaw parin ang laman Wala nang dahilan na para ako pa ay magtagal Sa larawan ay wala na ako Kaya't humihingi akong paumanhin sa aking pagsuko Mga sugat at sakit di ko na kaya tanggapin Kaya ang pamamalagi dito'y di na pipilitin Dahil mahal ko, masakit na Paunti-unti na akong nanghihina Kaya mahal, ako na'y namamaalam Bibitaw, tulad ng ginawa mo matagal na Paalam
0 Comments
Leave a Reply. |
|