"OKAY LANG BA SIYA?"
Gusto na niyang magpahinga Siya'y pagod na't walang gana Nawawalan na ng hninga Isipa'y di na gumagana Paggising sa umaga bungad sakanya Mga salitang, "Maghugas ka na" Mamadaliin ka pa kaya napapaisip siya, "Tatakbo ba yung mga plato kapag di mo hinugasan agad?" Pag-uwi galing eskwela Pagsasaingin na siya Hindi pa nakakapahinga May sunod na utos na sila Sila'y nagagalit pag siya'y di sumunod Sasabihan siya ng tamad at puro nalang tulog Ngunit minsa'y di nila natanong Kung ayos lang ba siya o kung di ba siya pagod Ngunit kung sila'y magtanong SIya ay sasagot ng "Oo, ayos lang ako" Dahil mas madaling sabihing ayos lang lahat Kesa ipaliwanag kung bakit hindi ka masaya Di mo siya makikitang humihikbi Siya'y tatawa't ngingiti Hanggang pagdating sa kanyang huling hantungan, Walang makakaalam ng kanyang kalungkutan
0 Comments
Leave a Reply. |
|